^

Metro

2 rider idiniretso sa pulis ang parcel ng droga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
2 rider idiniretso sa pulis ang parcel ng droga
Barangay Parang, Marikina City, as seen on Google Maps.
Google Maps / Philstar.com screenshot

Sa halip na drop-off

MANILA, Philippines — Pinuri ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagsurender ng dalawang delivery rider sa kahina-hinalang parcel sa halip na ideliber na nadiskubreng ilegal na droga, sa Barangay Parang, Marikina City, gabi ng Biyernes.

Ang ‘di tinukoy na mga rider ay nakatakdang magdeliber ng package alas-11:00 ng gabi ng Set­yembre 18, ngunit dahil sa hinala ay ipinakita muna sa nadaanan nilang pulis, na siyang sumuri at nakatuklas na naglalaman ng 28 gramo ng kush, 2 pakete ng marijuana na may fruiting tops na 800 gramo at 9 na assorted marijuana oil cartridges na may 9 ml.

Nasa kabuuang P150,000.00 ang halaga ng nakumpiskang ilegal na droga, na sinaksihan ng mga opisyal ng barangay na dinala sa Station Intelligence Section ng Marikina City Police Station.

Ikinatuwa ni NCRPO Chief, P/Brig. Gen. Christopher Abrahano ang pakikipagtulungan ng komunidad sa pulisya sa pagpuri sa dalawang rider at sa pagpapakita ng magandang halimbawa ng huwarang mamamayan.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with