Unang araw ng bar exam ‘peaceful’ – MPD

MANILA, Philippines — Payapa at walang naitalang gulo ang Manila Police District (MPD) sa unang araw ng 2026 Bar Exam sa University of Sto. Tomas at San Beda University kahapon.
Ayon kay Manila Police District (MPD) Director PBGen. Arnold Santiago, nasa 348 na pulis ang naka-deploy sa testing sites—180 sa UST na ipinoste sa mga gate sa Padre Noval at Lacson Avenue at 168 naman sa San Beda University na may drop-off points sa Concepcion Aguila at J.P. Laurel Sts.
Bago ito, bandang alas-4:30 ng madaling araw nang mag-inspeksyon si Santiago kasama si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso upang tiyakin ang inilatag na seguridad at paghahanda sa bar exams.
Sinabi ng alkalde na nakaantabay naman ang lahat ng resources ng pamahalaang lokal kabilang ang Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department para sa emergency at medical assistance; Manila Traffic and Parking Bureau para sa pagsasaayos ng trapiko; Department of Engineering and Public Works (DEPW) na namamahala sa pagtatayo ng mga tents, nagkabit ng mga karagdagang ilaw at binawasan ang mga sanga ng mga puno at inayos ang mga drainage.
“I wish the bar examinees, sana pumasa silang lahat. Sa mga magulang naman na nag-aalala sa kani-kanilang tahanan, pumanatag kayo. The entire resources of the City Government and MPD is in place para maging panatag ang Bar Examination ngayon 2026 Everything is in place,” anang mayor.
- Latest
























