3 anti-mining protester dinakma sa barikada
KASIBU, Nueva Vizcaya, Philippines — Muling uminit ang tensiyon sa anti-mining barricade sa Kasibu, Nueva Vizcaya nitong Miyerkules nang arestuhin ng pulisya ang tatlong nagpoprotesta na humarang sa paghahatid ng gasolina para umano sa mga makinarya ng isang mining exploration firm.
Dinala sa kustodiya ng pulisya ang tatlong hinuling protesters sa barikada sa Barangay Paquet, kung saan patuloy na nakabantay ang mga residente at mga katutubong Bugkalot-Ilongot laban sa operasyon ng North Luzon Mineral Resources Corp. (NLMRC).
Ang gasolina na dala ng mga opisyal ng kalapit na Barangay Pao, ay ineskortan ng mga pulis, pero hinarangan ng mga protesters para hindi makalusot sa lugar dahil sa posibleng gagamitin ito sa minahan. Gayunman, iginiit ng mga pulis na ang petrolyo ay para sa quipment ng road works ng barangay at hindi para sa mining.
Simula pa noong unang bahagi ng taon, binarahan na ng mga portesters at anti-mining group ang naturang lugar upang mapigil ang pagpasok ng mga makinarya, gasolina, at drilling equipment ng NLMRC. Mahigpit nilang tinututulan ang planong gold at copper exploration project ng NLMRC na sumasaklaw sa mahigit 4,000 ektarya. Iginiit nilang walang sapat na konsultasyon sa komunidad ang proyekto at nanganganib ang mahahalagang watershed sa mining.
Kinondena ng environmental group na Center for Environmental Concerns Philippines ang presensiya ng pulisya sa barikada, na tinawag na tila pagtatangka upang takutin ang mga kumokontra sa proyekto.
- Latest




















