^

True Confessions

Apoy sa Balsa (50)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

 “PERO teka nga, paano mo ako nasundan at naka­akyat dito sa floor ko?” nagtatakang tanong ni Rhea matapos malaman na hindi pala stalker ang sumusunod sa kanya kundi ang boyfriend niyang si Kael

Dahan-dahang yumuko si Kael, pinulot ang plastik ng grocery at ang bag ni Rhea. Inalis niya ang susi sa bulsa at itinuro ang pinto ng katapat na unit.

“Kasi...” malambing at mababang wika ni Kael habang nakatitig sa mga mata ng dalaga. “Ako na ang bago mong kapitbahay. Nirentahan ko ‘tong unit para hindi ka na matakot sa dating nakatira rito... at para hindi na natin kaila­ngang magtago kapag gusto kitang makasama.”

Napatigil si Rhea. Ang galit at takot sa kaniyang dibdib ay tuluyang natunaw, pinalitan ng isang excitement at walang kapantay na saya.

Tinitigan niya si Kael, ang lalaking kayang gawin ang lahat para lang makatabi siya at maprotektahan siya.

Mabilis na humakbang si Rhea palapit at mahigpit na niyakap ang leeg ng binata sa gitna ng hallway. Natawa nang mahina si Kael at isinara ang kanyang mga braso sa baywang ng dalaga, inilulubog ang mukha sa balikat nito.

“Loko ka talaga...” bulong ni Rhea, habang nakasandal ang mukha sa dibdib ni Kael, nag-uumpisang tumulo ang luha sa labis na relief. “Pinatay mo ako sa takot.”

“Sorry, akala ko kasi matutuwa ka sa surprise ko.” natatawang bulong ni Kael habang hinahalikan ang ibabaw ng ulo ng dalaga.  (Itutuloy)

KAEL

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with