^

Probinsiya

21-anyos PWD tepok sa sunog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Isang 21-taong-gulang na person with disabi­lity (PWD) ang nasawi matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Purok 3A, Barangay Dalahican sa lungsod na ito kahapon ng umaga.

Ayon sa BFP-Lucena City, alas-6:30 ng umaga nang makatanggap sila ng ulat ng sunog at pagdating na sa lugar malaki na ang apoy na mabilis na kumalat sa limang kabahayan na gawa sa light materials.

Agad nagsagawa ng rescue operation ang mga awtoridad matapos iulat na may isang taong na-trap sa loob ng nasusunog na bahay at naapula ang apoy alas-7:09 ng umaga.

Natagpuan ng mga bumbero ang biktimang may kapansanan na kinilala lang sa pangalang Bryan sa likurang bahagi ng unang bahay na pinagmulan ng sunog.

Tinatayang nasa P100,000 ang halaga ng pinsala sa sunog na patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang sanhi nito.

PWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with