DOLE: Wage hike sa NCR epektibo sa Hulyo 25

MANILA, Philippines — Nilinaw ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis N. Tolentino na ang implementasyon ng wage hike sa National Capital Region (NCR) ay nakatakdang ipairal sa Hulyo 25.
Ayon kay Tolentino, ang petsa ng implementasyon ng umento sa sahod ay kasunod ng opisyal na paglalathala ng NCR Wage Order No. 27 noong Hulyo 9, na nagkakaloob sa minimum-wage workers ng P85 na increase sa kanilang arawang sahod at itinuturing na pinakamalaking single daily wage adjustment na ipinairal sa Metro Manila.
Aniya, alinsunod sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na paghusayin ang kalidad ng buhay para sa mga manggagawang Pinoy, ang wage increase ay ipatutupad sa dalawang tranches.
Ang unang tranche na nasa P60 ay magiging epektibo sa Hulyo 19, 2026 habang ang ikalawa na nasa P25 ay ipaiiral ?sa Enero 20, 2027, sanhi upang ang daily minimum wage para sa mga non-agricultural workers ay pumalo na sa P780.
Samantala, ang daily rate naman ng mga manggagawa sa agrikultura, serbisyo at retail shops na may 15 o mas kaunting manggagawa, at manufacturing firms na may mga trabahador na mas mababa sa 10 regular na manggagawa ay papalo na sa P743.
- Latest




















