Sideshow
Dehins matapos ang bangayan at girian sa semis showdown ng Ginebra at Rain or Shine sa PBA Commissioner’s Cup.
Matapos ang palitan ng maaanghang na salita ni Ginebra governor Alfrancis Chua and ROS coach Yeng Guiao sa Game 4, eto naman si Raymond Aguilar at Jaylen Johnson sa Game 5.
Ang sabi ng witnesses, kung sakaling kailangan ng police report, eh naghamunan ang dalawa na ituloy ang game sa parking lot. Sumama pa ang isang official ng Ginebra sa bangayan.
“No comment” ang sabi ni Aguilar ng Ginebra.
Quiet din ang ROS import na dati nang sangkot sa suntukan with Glenn Khobuntin ng TNT at isa pang alitan with Magnolia coach LA Tenorio.
Magaling si Johnson kaya mainit sa mata ng mga kalaban din especially pag sumayaw na siya.
Sobrang intense ng serye kung saan lamang ang Ginebra, 3-2, gaya ng TNT kontra Meralco. Kaya kung manalo mamaya sila pareho, finals na sila.
Abangan natin mamaya ang bangayan – mula sa bench at sa court.
I’m sure, to be continued. Maikli na ang mga mitsa eh.
- Latest


















