^

PSN Showbiz

Julia, nagpaliwanag sa label na entitled!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Julia, nagpaliwanag sa label na entitled!
Julia Barretto
STAR/File

Turista, kakasuhan

‘Kaloka na hindi pala pinalagpas ni Julia Barretto ang paratang ng turista tungkol sa pagpunta niya sa Camiguin.

Nag-post siya at nilinaw na wala siyang kinalaman sa pagpapasara ng tourist spots.

Kung anu-ano raw kasi ang sinabi ng turista sa post niya at tinawag pa siyang entitled at selfish nang hindi muna kinukumpirma ang totoo ha.

Nalaman lamang daw niya ang tungkol sa pagpapasara sa mismong shoot na at naiintindihan daw naman niya na bahagi iyon ng commitment ng local government unit para sa tagumpay ng tourism initiatives.

Unfair nga naman iyon sa girlfriend ni Gerald Anderson na paratangan siya na siya ang may gustong ipasara ang mga iyon at misleading noh.

Ang bongga na hindi niya raw kukunsintihin ang mga walang basehang akusasyon at maling impormasyon na nakakasira sa karakter, trabaho at ng kanyang travel vlog.

Nagtratrabaho lang naman kasi siya pero napasama pa.

Sineryoso niya at kasalukuyan daw itong humihingi ng legal advice sa ginawa ng turista. Minanipula pa raw ang isang TikTok video na meron daw fake audio na makakasira sa kanya.

Balak siguro talaga nilang siraan si Julia kaya huwag talaga basta maniniwala sa mga napapanood at binabasa.

Sana raw ay hindi noon maranasan ang ginawang pag-atake sa kanya ng masasakit na salita na wala naman palang alam sa totoong nangyari.

Dapat turuan ng leksyon ang mga iyan ‘no at ‘wag tularan.

Ang dami na ngang ganap, sumasali pa ang turista.

‘Kaloka talaga.

‘Yun lang at babu na.

JULIA BARRETTO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->