^

PSN Showbiz

Naibentang ari-arian ng ABS-CBN, gagawin daw residential area

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.
Naibentang ari-arian ng ABS-CBN, gagawin daw residential area

Idi-develop diumanong residential area ang nabiling bahagi ng ari-arian ng Ayala Land Inc. (ALI) sa ABS-CBN, Quezon City, ayon sa isang source.

Pero marami ang nagtanong bakit napunta sa ALI ang nasabing ari-arian samantalang pwede naman na ang Rockwell na lang ang nag-develop nito?

Ayon pa sa nasabing source, marami nang naka-line up na proyekto ang Rockwell Land Corporation sa kasalukuyan.

Maaalalang almost a week ago nang inilabas ang isang Memorandum of Agreement na nilagdaan ng Lopez-owned company at ALI para sa pagbebenta na sumasaklaw sa 30,000 square meters mula sa kabuuang 44,027.30 sqm ng property sa halagang P6.2 bilyon.

At kasama sa 30,000 square meters na naibenta ay ang chapel, canteen, Dolphy theater, ang dating DZMM studio.

Mahahati raw ito sa daan na galing sa Eugenio Lopez Building na kinata­tayuan ng mas bagong studio ng kumpanya ng mga Lopez.

Anyway, ayon nga sa report na lumabas sa website ng ABS-CBN, sa ilalim ng MOA noong nakaaraang linggo, ang pagbabayad para sa pagbebenta ay magiging installment basis.

At ang mga kikitain diumano ay gagamitin para sa unti-unting pagbabayad ng mga pautang.

Idinagdag ng ABS-CBN na ang deal ay napapailalim sa ilang kondis­yon, kabilang ang clearance mula sa Philippine Competition Commission, kung kailangan.

Marami ang nalulungkot sa naganap na bentahan dahil kasama rin sa mawawala na ang ABS-CBN tower na isang landmark na sa Quezon City.

ABS-CBN'

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with