^

PSN Palaro

Quiambao lalaro sa Korean league

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Quiambao lalaro sa Korean league
Kevin Quiambao

MANILA, Philippines — Tuluyan nang lilisanin ni Kevin Quiambao ang De La Salle University at ang UAAP.

Kinumpirma mismo ni Quiambao na hindi na ito ma­sisilayan sa susunod na season ng UAAP suot ang uniporme ng Green Archers.

Ito ay matapos pumirma ng kontrata si Quiambao sa Goyang Sono Skygunners para maglaro sa Korean Basketball League (KBL).

Nagtapos na ang collegiate career nito noong Linggo matapos matalo ang La Salle sa University of the Philippines sa Game 3 ng UAAP Season 87 Finals.

At papasok si Quiambao sa panibagong yugto ng kaniyang basketball career dahil dadalhin nito ang kaniyang talento sa South Korea.

Sinabi ni Quiambao na unang hakbang lamang ito sa pangarap nitong makapaglaro sa NBA.

“My college career comes to an end. I will pursue my NBA dream and start my journey by playing professional ball in Goyang Sono SkyGunners and developing my game even more,” wika ni Quiambao.

Lilisanin ni Quiambao ang UAAP bitbit ang dalawang MVP trophies at isang kampeonato sa Season 86.

“I’m so proud of the team. Win or lose, I take the blame on me. It’s my fault,” sabi ni Quiambao na nalimitahan sa 13 points sa Game 3.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with