^

Bansa

‘Wetland Park’, ‘di maaapektuhan sa P103 bilyong reclamation project

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi maaapektuhan ng P103.8-bilyong Las Piñas-Parañaque Coastal Bay Reclamation Project sa viability at sustainability ng “Wetland Park”, kaya hindi dapat mag-alala ang publiko, ayon kay Las Piñas Mark Anthony Santos kahapon.

Sinabi ni Santos na tiniyak ng Alltech Contractors Inc. na hindi masisira ang Las Piñas-Parañaque Critical Habitat and Ecotou­rism Area (LPPCHEA) sa panahon ng pagtatayo at operasyon ng multi-billion-peso reclamation project. Ang LPPCHEA ay pinalitan na ngayon ng Las Piñas-Parañaque Wetland Park.

Sakop ng reclamation ang 381.26 ektarya ng lupa para sa Las Piñas at 174.88 ektarya para sa Parañaque.

Pinagtibay ng Supreme Court (SC) ang desisyon ng Court of Appeal (CA) na nagbasura sa petition for writ of kalikasan na inihain ng mga residente ng Las Piñas sa pangu­nguna ni Senator Cynthia Villar na naglalayong itigil ang planong reclamation project na sumasaklaw sa 635.14 ektarya ng tubig sa Manila bay.

Tinanggihan din ng Mataas na Hukuman ang kahilingan ng mga petitioner para sa temporary protection order (TEPO) na nag-uutos sa gobyerno at sa project proponent na Alltech Contractors na magpatuloy sa proyekto.

Taliwas sa claim ng mga petitioner, sinabi ng SC na nagsumite ang Alltech ng tamang paraan ng pag-aaral na kinakaila­ngan para sa iminungkahing proyekto.

RECLAMATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with