^

Bansa

Masbate Governor, iba pa kinasuhan sa Ombudsman sa ghost infrastructure project

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nahaharap sa mga kasong plunder, malversation, falsification of public documents, paglabag sa anti-graft and corrupt practices act at iba pang administrative case ang nakaupong Masbate Governor Antonio kho at iba pang opisyal ng lalawigan.

Ito ay may kinalaman sa umano’y 21 ghost projects ng gobernador sa ibat-ibang mga bayan sa Masbate na hindi makita dahil wala namang mga program of works.

Sa inihaing complaints sa Office of the Ombudsman ay ang asosasyon ng mga mamamahayag mula sa Masbate Quad Media Society, Inc. (MQMSI), sinabi nina Edarlito Doremon Jr. at Ram Sison, pawang local radio reporters sa Masbate, nalustay at napunta lamang umano sa kamay ng iilang tao ang mahigit P420-million pondo ng probinsya mula 2022 hanggang 2023.

Bukod kay Gov. Kho kabilang din sa mga inireklamo sina Provincial budget officer Liborio Gonsalez, jr, Provincial accountant Glenda Talisic, Acting provincial ­Treasurer Eduardo Arcenas, jr Bids & Awards committee chairman Atty. Rany Sia at iba pa.

Naisagawa umano ang mga ghost infrastructure projects dahil sa pagsasabwatan umano ng nabanggit na mga lokal na opisyal at mga private contractors.

Giit ng mga mamamahayag, bagamat nanga-nganib ang kanilang mga buhay dahil sa pagbangga sa gobernador ng lalawigan pero kailangan umano nilang manindigan para sa hustisya at kapakanan ng mga taga-Masbate.

vuukle comment

MASBATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with