^

PSN Opinyon

Kelot pinatay ng tandem sa basketball court

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang lalaki ang nasawi nang ito ay pagbabarilin sa isang basketball court ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo,kamakalawa ng gabi sa Barangay Looc, Calamba City,Laguna.

Sa ulat ng pulisya, alas-6:20 ng gabi ay naglalakad ang biktimang si Kenneth Villadores, 39, sa basketball court nang bumaba ang lalaking angkas sa motorsiklo at nilapitan ang biktima na agad pinagbabaril sa ulo.

Nang masigurong napatay ng mga suspek ang biktima ay mabilis silang tumakas.

Ayon kay Lt. Col.Titoy Cuden, Calamba police chief na mayroon na silang person of interest dahil ang biktima ay nagsampa ng reklamo sa barangay at hinihinalang paghihiganti ang motibo sa krimen.

Nirerebyu na ang video footage ng close-circuit television camera na nakalagay sa pinangyarihan ng krimen.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with