^

PSN Palaro

4-point shot opisyal na sa PBA

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
4-point shot opisyal na sa PBA
PBA chairman Ricky Vargas

MANILA, Philippines — Unang inilunsad sa 2023 All-Star Game sa Passi City, Iloilo, opisyal nang gagamitin ng Philippine Basketball Association (PBA) ang four-point shot para sa darating na Season 49.

Ang four-point shot na sisimulang ipatupad sa PBA Governors’ Cup na magbubukas sa Agosto 18 ay 27 feet ang distansya mula sa ring kumpara sa 23 feet ng three-point line.

Ang three-point shot ay pananatilihin sa laro, ayon kina PBA Board of Governors chairman Ricky Vargas at Commissioner Willie Marcial.

Ang four-point shot ay isa lamang sa mga pagbabago sa patakaran ng liga na inaprubahan sa planning session sa Swissotel Nankai sa Osaka, Japan.

“Nagawa na natin ito sa All-Star Game. With this rule, mababawasan ang zone defense, lalabas ang depensa at mas tutulin ang laro,” ani Ginebra go­vernor Alfrancis Chua, ang bagong PBA Board vice-chairman kapalit ni Bobby Rosales ng Terrafirma.

Inilunsad ang four-point shot sa 2023 All-Star Game sa Passi City, Iloilo at pinanatili sa nakaraang 2024 edition sa Bacolod City.

Inaasahang makikina­bang sa bagong inobasyon ng PBA ang mga kagaya nina Marcio Lassiter ng San Miguel, Paul Lee ng Magnolia, Robert Bolick ng NLEX, Roger Pogoy ng TNT Tropang Giga, Allein Maliksi ng Meralco, LA Tenorio ng Barangay Ginebra at Juami Tiongson ng Terrafirma.

Nagkaroon ng kauna-unahang five-point play sa PBA All-Star Game sa Bacolod City nang isalpak ni Bolick ang four-point shot kasabay ng foul ni Calvin Oftana sa huling 17 segundo para itabla ang Team Mark sa Team Japeth, 140-140.

Samantala, muling iniluklok si Vargas bilang PBA chairman, habang bagong termino ang ibinigay ng PBA Board kay Marcial bilang Commissioner na mananatili hanggang Season 51.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with