^

PM Sports

Gilas nakatutok sa Paris berth

Chris Co - Pang-masa
Gilas nakatutok sa Paris berth
Ang drive ni Gilas Pilipinas guard Chris Newsome laban sa dalawang player ng Georgia.
fiba.com

MANILA, Philippines — Tanaw na ng Gilas Pilipinas pag-asang makahirit ng tiket sa Paris Olympics.

Subalit dalawang ma­tinding laro pa ang pagda­raanan nito para maisa­katuparan ang inaasam na pag-entra sa Olympics.

Pasok ang Gilas Pilipinas sa semifinals ng FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginaganap sa Arena Riga sa Latvia.

Umabante sa semis ang Gilas Pilipinas nang angkinin nito ag No. 2 seed sa Group A tangan ang 1-1 rekord.

Lumasap ang Gilas ng 94-96 kabiguan sa kamay ng Georgia sa huling araw ng eliminasyon.

Ngunit ito ang kabigu­ang ipinagdiwang ng buong sambayanan dahil kailangan ng Georgia na tambakan ng mahigit sa 19 puntos ang Gilas para makapasok sa semis.

Hindi ito nagawa ng Georgia na nagtala ng 20-point lead..

“We talked about co­ming into this game that Georgia will come with a great energy and level of desperation,” ani Gilas Pilipinas head coach Cone.

Subalit agad na nagi­sing ang Gilas Pilipinas na nagbago ng game plan upang masawata ang Georgia.

Bumida sina natura­lized player Justin Brownlee, CJ Perez at Dwight Ramos.

“But it was still pul­ling your teeth to get them ready. It was like a train coming at you, you just have to take the hit. And that’s just what we did,” ani Cone.

Muling haharap sa ma­tinding pagsubok ang Gilas Pilipinas dahil makakasagupa nito sa semis ang World No. 12 Brazil.

“I hope that’s win over Latvia not coming through our mind. We’re a very process-driven team and we stay focused on what’s right in front of us,” ani Cone.

Sesentro ang atensyon ng Gilas Pilipinas sa pagbuo ng plano upang mapigilan ang Brazil na nakuha ang top seeding sa Group B.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with