Matatandaang last week inyong kolumnista,
Naglakip ng larawa’t isang ipininta —
Ako’y naka-face mask, buhok puting-puti na,
At sa nakasulat maaaring natawa!
Hawig sa isang sikat na Pamaskong kanta,
At magiging kalagayan dahil sa pandemya,
At sa Paskong darating ako’y nasaan ba —
CHRISTMAS IN OUR HOUSE ngek! Sa bahay lang at wala na!
Kunsabagay ‘di naman yan mahalaga
Kundi kaarawan ng Dakilang Messiah!
Pero Por Dios, Por Santo nakasanayan na
Na lumalayas at hila-hila maleta!
Pagkatapos ngayon bigla na lang bahay ka!
At malamang din ngayon doon magsisimba!
I’m sure yun din ang iniisip ni Dear Santa
Na hindi rin makalabas dahil senior sya!
Ngek! ‘Di naman marahil may mali talaga
Umalis ng bahay tuwing Kapaskuhan na
Sa dahilang maging sina Jose at Maria,
Nakapaglakbay nang napakalayo muna!
Sa isang banda, saan ka naman pupunta?
Ngek! Yung nasa ibang lugar yun din problema!
Sabi ko nga hanggang wala pa yang bakuna,
Itong BAKPAK sa BAK KU BABA KU NA MUNA!
(Tough Hit break na muna / To the tune of “Jingle Bells”)
Vaccine not yet through
In the house we will still stay
We’re itching to go
And to fly away
Face masks we shall bring
When we travel light
Remember Social Distancing
And let’s avoid long flights
(Chorus)
Single bed, single bed
Single all the way
Not much fun with your new bride
In the shower do horse play hey
(Repeat Chorus)
(To the tune of “Sa May Bahay”)
From our bahay ay bumabati
Dati’y Hong Kong — Macau palagi
Sa next Christmas na lang babawi
Depende pa kung bakuna’y mayayari
Ang sanhi po ba’t house lang tayo
Ay dahil sa isang mikrobyo
At tayo nga ay naperwisyo
‘Di makalayas at walang eroplano
(To the tune of “Pasko Na Naman”)
Bahay na naman
Bahay lang araw-araw
Pasko’y daraan
Wala kang mapuntahan
Kailan ba Dios ko
Bakuna’y matitikman
Kating-kati na ‘kong magpunta ng Japan
(Chorus)
House ko, house ko,
Bahay na namang muli
Na ka-face mask pa nga ako palagi
House ko, house ko
Bahay na namang muli
One week na ‘kong dehin goli!
Don’t forget to EAT, PRAY, LOVE ang sabi ni Julia,
EAT kahit walang jamon at queso de bola
Pero teka, yung istorya nung pelikula,
Oo nga pala ay panay TRAVEL ng bruha!
Tayo’y nabola! Sya pa nga run ay nagpunta
Sa Italia, sa India at sa Indonesia!
At lahat pa sa Letter “I” nag-uumpisa!
I eat, I pray, I love … I hate her! Buti pa sya!
Nanariwa mula tuloy sa alaala
Mga naranasang Pasko noong bata pa,
Lahat ay Christmas in our house lamang talaga
Sapagkat dapat kasi kumpleto pamilya!
‘Tsaka nun no work pa kaya wala pang pera!
At hindi mo pa alam word na “turista”,
Salitang “turo-turo” nga yata’y wala pa
Ngek! Anak ng turon! Ang tanda ko na pala!
Subalit wag magkakamali’t magdududa,
Ang lahat ng mga Paskong yun ay masaya!
Regalo nga nu’y hindi inaalintana,
Damit at sapatos bagong bili lang basta!
Well, siguro naman sa New Year mag-iiba,
Gayahin na lang nating ginawa ni Julia —
Plan your next travel, mamili ng inyong letra,
I choose “H” for Happy — Hawaii … Hong Kong … ngek! HOUSE?! Wahhh!