Mga tatlong linggo na ang nakakaraan
Nang sariwain ba mga pinaglumaan?
Nung wala pang TV’t komiks lang libangan;
Nung wala pang REF… cold water galing tapayan!
Mga alaala ng panahong nagdaan —
‘Di naman kasya sa isang artikulo lang
At Ang Poet N’yo sa ganito’y nalilibang
Kaya let’s swing to yesterday once more… na naman!
I remember nung bubong nami’y pawid pa lang
Kung kaya kapag bumabagyo ay malamang
Labas na lata ng ice cream na walang laman
At itatapat sa mga tinutuluan!
Ilang bagay nun maraming paggagamitan!
May ilang tatak tawag din sa competition!
“Brand identification” yata ang tawag dun!
So any brand of ref… Frigidaire ang tawag nun!
‘Di ba nga’t tawag “San Miguel” basta serbesa?
Pag pinipindot sa sepilyo ay “Colgate” s’ya!
Sa dibdib at likod pag hanap ay ginhawa,
“Vicks” sinasabi kahit ang brand pa ay iba!
Kung saan kailangan at ang gamit basta,
Binabanggit at hanap kung saan sanay na!
Malimit kung anong produkto nangunguna,
Sa softdrinks lang merong “limitasyon” kumbaga!
Dito’y may okasyon, kategorya na’t linya —
“Cosmos” lang kami, ang “Coke” kasi pang-bisita!
‘Yung higop sa straw pa namin pag may sakit pa!
Kaya’y ang bisita sa glass nya’y may natira!
Kaya pwera “Sison’s Ice Drop” sa amin tinda
Na kulay dilaw at sa dulo may munggo pa,
Lahat ng ice drop at ice cream ang tawag basta
Ng halos lahat ng bulilit ay “Magnolia”!
Flavors lang yata nu’y chocolate and vanilla,
Wala pa ‘yung iba at lalo na ang mangga!
Kung iisipin ngayon ay nakakatawa,
Ibang kids kasi nun ang tawag ay Mangolia!
Dapat pala Sison’s tinawag ng Munggolia!
Ngek! At ‘yung Magnolia can nabanggit kanina
Na pinansasalo pag may tumutulo na,
‘Yun din ang tabo namin sa banyo nga pala!
Kung meron man noon at ngayo’y nariyan pa,
‘Yan ang dirty ice cream at wala nang iba!
Palitan na tawag nang ‘di “dirty” pa rin s’ya!
I suggest “SURE BET” … sure bet-ero nagtitinda!
Kung hindi pa makuha… ayos cream ‘yung isa!
But if you’re senti and can’t let go of “dirty” pa,
Lagyan n’yo man lang ng name or title ang tinda
Like “super” … eh di “super dirty ice cream” na s’ya!
Nabanggit ko rin noon na ang laking masa
Mas maka-kalikasan kaysa sa maykaya
Sapagkat laruan namin… mga gagamba!
Salagubang, tutubi, higad at hantik pa!
Wala kami nung apat na “s” na laruan —
Swing, slide, see-saw and swimming pool… pang-rich lang ‘yan!
Kami ay apat na “t” lang ang nakayanan —
Teks, trumpo, tumbang preso at s’yempre taguan!
Naturalmente ang swing iba-iba rin ‘yan —
May pang-maralita at merong pang-mayaman!
Ang swing ng mayayaman kung matatandaan —
May mesa sa gitna at tapatan upuan!
At kahit wala kami ng mga ganyan-ganyan,
Ang “swing” ko pa ring paborito’t kinalugdan
Ay walang iba’t kahoy naming tarangkahan!
Tatayo lang ako’t may isang tutulak lang!