‘Tanong, Sagot Gulaman?’

Bakit may mahilig sa Garage Sale at Bazaar?

Meron akong kwento pero ‘wag maaasar,

Ang salitang BAZAAR daw ay galing sa BAZUR —

Pinaikling alam n’yo na siguro I’m sure.

 

Ang letter “B” for Bazur ay isama mo pa

Sa salitang GARAGE at ano makukuha?

Igarahe sa pagitan ng “ERE” at “A”

At GARBAGE ang lalabas! Ngek! Eh di BASURA!

 

Sa totoo naman sa mga nagbebenta,

‘Di eksaktong basura kundi “ovah-sobra,”

Kaya mga goods good bye na sa nagtitinda

At sa bumibili ay good buy naman sila!

 

Ang tawag din natin dito minsan ay TIANGGE,

Pag may sign ngang CHANGE ‘yon din basa ko palagi,

The biggest ‘yung sa Singapore Airport… acheche!

Ang ‘di maka-gets ng joke sori na lang… tange!

 

Alam n’yo bang sa “tange” nanggaling ang ENGAT?

Ang ‘di ko mawari bakit ENGOT ang kumalat?

‘Pag ang letra pa nga hinalo’t binisaklat,

From TANGE you’ll get NAGET! ‘Di ba konek lahat?

 

Siguro naman ATENG nakuha na’t NAGET,

Basta talasan TENGA, utak ‘wag ma-GANET,

At bilang GANTE sa AGENT n’yo na makulit,

Kung na-hurt nag-a-apologize inyong Poet.

 

APOLOGY sa Tagalog ay PAUMANHIN,

Naisip n’yo ba kung saan ito nanggaling?

Pag mga letra nito ay paghahaluin —

A HINNAMPU o isang tampo… konek pa rin!

 

Pag may NAGTAMPO TAMA PONG “sorry” PAN-GAMOT,

Ops, all capitalized words used same letters, take note,

‘Sensya na’t Ang Poet N’yo masyadong malikot,

Kahit anong tanong tiyak may isasagot.

 

Kapag mga tanong ay nasasagot mo,

Tiyak gra-graduate ka’t diploma matatamo,

At s’yempre may ipapatong sa iyong ulo,

Ano ‘yon? Baligtarin ang SAGOT… o, ano?

 

Ano mas marami ang TANONG o ang SAGOT?

Tingin ko tanong ko ‘di ninyo masasagot,

Ngunit kung ihahambing “tanong” kakarampot

At ang “sagot” may gulaman pa ngang kabuntot!

 

Op kors naturalmente nagpapatawa lang,

Subalit ang “sagot” lamang talaga ‘igan,

Narito isang tanong trilyon kasagutan —

Ano pa eh di, “Ano ang iyong pangalan?”

 

Walang pinag-iba ‘yan sa pagkokomedya,

Marami ang paraan para magpatawa,

Ang “normal” na galaw kadalasa’y iisa,

Mas marami pinto upang gawin s’yang kwela.

 

Comedy is simply the “abnormalization”;

Ang pagbabaluktot ng normal na sitwasyon,

Kaya comedy writer hindi ubrang rason

Ang ikatwiran minsang s’yay nauubusan.

 

May sinabi si Einstein at ito translation —

Matuto sa kahapon, mabuhay sa ngayon,

Umasa ng maganda sa kinabukasan,

Ngunit ‘wag mong tatantanan ang pagtatanong.

 

At kung sa pagtatanong ay iyong mapansin —

Tao sa paligid mo ayaw kang sagutin,

Panahon na para sarili mo tanungin,

“Ako kaya’y nababaliw at may tililing?”

 

Kung may magtatanong nasaan ako ngayon,

Medyo natililing about one rare occasion,

Sapagkat lumipad at narito sa London

And watched my favorite last night — Miss Barbra Streisand!

 

Yes, The One And The Only… The Great Barbra Streisand!

Ganda pa rin ng boses kahit seventy-one!

Epekto sa akin gumaan ang katawan,

And why not eh nabawasan na naman ng POUNDS!

Show comments