'S T E V E J O B S'

Natural at mahilig lang ako talaga

Na maglaro’t paglaruan ang mga letra

Ng mga salita at tiyak mapupuna

Ang title ko ngayon at kayo’y magtataka.

Sakit ko ding maghanap ng mga koneksyon

Ng mga bagay-bagay at pagkakataon,

Sa araw-araw na gawa ng Panginoon,

Tandaang isang daigdig lang tayo meron.

Ano ngayon ginagawa ng TVJ d’on

Sa loob ng pangalan ng dakilang icon?

Tito, Vic & Joey? Steve Jobs? What’s the connection?

Isa ba ang trio sa mga “The Crazy Ones”?

 

O dun sa mga asar at inggitero d’yan,

Eto na naman ako’t kayo’y uunahan,

Kanya-kanyang trip ‘yan wala namang basagan,

Matalim lang po’t sa mundo’y may pakialam.

Nung araw kasing si Steve Jobs “iBumigay” na,

Yaong araw ding may ginawa ang barkada,

Eat Bulaga: Ang Unang Tatlong Dekada — a rich history of the longest-running daily noontime show on television. The book is written by Butch Francisco

After more than 32 years ay nag-book launch na

Ng “Eat Bulaga: Ang Unang Tatlong Dekada.”

Sa araw na ‘yon kami talaga “nauna,”

Coffee-table book namin may invitations na,

Pero sa dinami-dami ng araw ‘di ba,

Itong si Pareng Steve ay doon sumabay pa!

Anak ng put your head on my shoulder talaga!

Pangyayaring ito’y may ibig sabihin ba?

Dahil nung sa GMA “Eat” muling pumirma,

Tsunami naman sa Japan ang kasabay n’ya!

Ay naku kayo na ang humusga,

Bakit sa mga “shocking” kami’y nalilinya?

Eto pa pahabol at ating itodo na —

“Steve Jobs” at “Eat Bulaga” s’yam pareho letra.

Eh ano ngayon ang sasabihin ng iba,

Hayyy naku naman ‘wag kayong masyadong tanga,

Para masira na ulo n’ya at eto pa

The ninth letter of the alphabet is “i” di ba?

Siguro nama’y nakuha ibig sabihin

That’s me with my son, Jako, who conceptualized the design of Eat Bulaga’s coffee-table book

Na nang dahil sa “i” dumami happening,

Pero nag-isip hindi na natin kapiling,

From Internet to interment ang naging ending.

 

Apple ad na “Think Different” sa kanya nanggaling

Na mga taong baliw daw na may layunin

Na ating daigdig kanilang babaguhin

Ay sila nga rin daw gagawa ng mithiin.

But in my case, I did not think of changing the world,

At ang tanging ginawa ko lang ay change A word,

Pinalitan pa nga “i” ng “E” ... “a” sinunod,

At ang “it” naging “Eat” ... at kami’y pinanood!

 

Sana lang si Steve ay langit ang pupuntahan,

Sa laki ng nagawa ay siguro naman,

Dahil kung sa mainit ang kanyang hantungan,

Makakakita tayo ng isang JOBS WELL DONE!

Show comments