Ilang linggo ring pinag-usapa’t nilibak — Pahayag sa Twitter ni Mislang na, “The wine sucks!”
Suma-Viet ang chick sa komentaryo sa alak
At para bang lahat tungkol sa Vietnam ay “Yuck!”
Ginawa’t sinabi talaga n’ya ay ligwak
At ‘di na ako sa isyu makikipapak
Dahil bugbog-sarado na ang pobre tiyak,
Ibang anggulo ng b’yahe gustong isaksak.
Pag ikaw’y nagpupunta sa ibang lupain,
Mga mararanasan ‘wag alipustahin,
Pinagkagastusan mo ‘yan para marating,
Pinuntahan mo ‘yan at dapat namnamin.
At kahit libre pa ang iyong pamasahe
At lalo’t higit kasama ang presidente
Ay mas dapat sigurong magpakadisente,
Mga “hindi pasado” na la’y isarili.
Kung sakaling sa Thailand maanghang nilaklak
At dahil dito almoranas namulaklak,
Ikaw ba’y magagalit at magdadadakdak?
Ikaw lumamon kundi ka ba naman tunggak!
Ngek!
Marami-rami na rin pong bayan tumapak
At lahat sila’y kinapulutan ng galak,
Dahil ang pupuntahan ay alam mo dapat,
Pag-aralan mo muna bago ka sumabak.
‘Wag mong sisiraan at pangangalandakan,
Lalo na’t tao ka pa ng pamahalaan,
Pagkat ‘di lang sa’yot kay P-Noy babalik ‘yan,
Damay-damay na ‘yan pati ang mamamayan.
Kahit pa siguro ang bag mo ay nalaslas
At ikaw’y nawalan ng salapi’t alahas,
‘Wag basta magbintang sa inabot na malas,
Ano’ng malay mo, ikaw pa ri’y nasa Pinas!
Ngek!
Okay lang ‘yan kung sarili ang susundutin,
Nakakatawa pa nga ‘yan kung tutuusin,
Iba-iba bansa iyong pakaisipin —
Iba-iba kultura, pagkain, inumin.
Pagpasens’yahan na lang daw at MAI na-MISS LANG —
Na-miss lang n’ya ang urbanidad at paggalang,
Sitsit tuloy ng iba baka ngayon daw lang
Ito naka-viaje, nakapag-wine at nagka-iPad, cellphone o laptop.
(Teka, this last line is out of rhyme and out of measure. Ganyan, ganyan kasi nangyari at ganyan ang ginawa ni kumare.)
Sabi ng iba, baka raw dahil sini-sip
Ang iniinom kaya “sip-sip” ang naisip,
At dahil bright nga ang kanya tuloy na na-tweet —
Iningles na sipsip kaya “sucks” ang pinalit!
Ngek ulit!
After doing my new game show Press It, Win It! on GMA 7 last Wednesday evening, I went straight home. It was raining and the traffic movement along EDSA was slow and heavy. Ordinarily, it’s only a 15-minute travel from GMA to my place. But this time, it took me a long hour and a half. Hungry and angry na kami — hungry na me, and angry na tummy — guma-growl na; umuungol at umaangal!
I had with me boxes of siomai, tuna sashimi and tamago sushi given by the staff of the show but I don’t eat in the car. And besides, hindi ko type masyado ‘yung mga dala ko. In short, my take home sucks! Ooops, joke lang. Actually, ito ang mga paborito ng mga anak ko, lalo na si Jocas kaya ni-reserve ko na lang para sa kanya.
When I got home, Eileen, Jako and Jocas had just started eating dinner. We had chicken curry, double deep-fried pork chops and misua with shrimp and patola. Eat the enemy agad ako! My kids then quickly hostaged my take home. Ayos!
As we were about to finish, Nana Nelly, our longtime yaya, placed a plateful of what seemed to be some sort of a meat dish on the table directly in front of me and my son, Jako. Tikman daw namin. So, kahit busog na kami, pinagbigyan namin si Nana. After a bite, nagkatinginan kami ni Jako. Then I heard him say, “Pahingi pa nga ng kanin!” Ngek!
This is one rare case of a double dinner. By the way, the very delicious ulam was chicken tocino from Pampanga. According to Nana, she bought it in the Cubao branch of Puregold. Ay naku, ang sarap talaga! Tocino is to believe! In Tagalog, kabilib-bilib ang tocino ng Puregold.
And speaking of Puregold, I would like to greet Puregold’s Susan Co a very happy birthday. Pa-chicken tocino ka naman!
* * *
Tonight is the Melbourne Special of Mel & Joey’s sixth anniversary presentation. The next two Sundays will feature Auckland and Wellington.