^

Dr. Love

Naghanap ng mas bata

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagsisisi ako ngayon na iniwan ko ang una kong ka-live in na nagbigay rin sa akin ng anak. Aminado akong masyado akong nagpasilaw sa pisikal na anyo at naghanap ng mas bata na akala ko ay magiging mabuting katuwang sa pag-aalaga ng pamilya.

Pero hindi naging ganoon ang nangyari. Madalas, ako pa ang gumagawa ng mga gawaing bahay tulad ng paglalaba at iba pang res-
ponsibilidad kapag day off ko. Hindi ko rin basta maiwan ang kasalukuyan kong kinakasama dahil mayroon na rin kaming anak.

Nais ko nang magkaroon ng maayos at masayang pamilya, pero nahihirapan akong harapin ang aming sitwasyon. Paano ko ba matutulungan at mahihikayat ang aking kinakasama na maging mas responsable sa mga gawain sa bahay nang hindi kami nag-aaway?

Junie

 

Dear Junie,

Ang pagtatatag ng pamilya ay hindi lang nakabatay sa pisikal na atraksyon. Mas mahalaga pa rin ang paggalang, pagtutulungan, pagmamahalan, at pagi-
ging responsable sa isa’t isa.

Sa halip na ikumpara ang kasalukuyan mong kapareha sa iyong nakaraan, mas mabuting pagtuunan ninyo ng pansin ang pagbuo ng magandang samahan bilang magulang at magkapareha.

Hindi natututunan ang mga gawaing bahay sa isang iglap. Kailangan ito ng maa-yos na komunikasyon, pagtitiyaga, at magandang halimbawa.

Magtulungan kayo sa mga responsibilidad sa bahay at pag-usapan nang mahinahon ang inyong mga inaasahan sa isa’t isa.

Mas nagiging matagumpay ang isang relasyon kapag pareho kayong handang matuto, magbago, at magsikap para sa kapakanan ng pamilya.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with