Nagkakilala nang ‘di inaasahan
Dear Dr. Love,
Tawagin n’yo na lang po akong Jaren. Gusto ko po ibahagi ang isang kuwento ng pag-ibig na patunay na nakatadhana talaga ang dalawang taong nakalaan para sa isa’t isa—kahit sa hindi inaasahang lugar.
Mag-aapat na taon na ang nakalilipas nang magkakilala kami ng aking misis sa sementeryo habang bumibisita kami sa aming mga namayapang mahal sa buhay. Isang simpleng paghingi lang ng posporo at maikling kwentuhan ang na-ging simula ng lahat. Mula sa lugar ng pag-alala at kalungkutan, dahan-dahang sumibol ang isang matamis na pagmamahalan.
Ngayon po, masaya na kaming mag-asawa at nagtutulungan sa pagbuo ng aming sariling pamilya. Nare-realize ko na kung minsan, sa pinakamadilim at pinakamalungkot na yugto ng ating buhay dumarating ang pinakamalaking biyaya ng Maykapal.
Salamat po sa pagbabasa at nawa’y magbigay pag-asa rin ang kwento naming ito sa inyong mga tagasubaybay.
Jaren
Dear Jaren,
Maraming salamat sa pagbabahagi mo ng inyong napakagandang kwento ng pag-ibig.
Isang malaking patunay ang inyong karanasan na walang pinipiling oras, pagkakataon, o lugar ang pag-ibig.
Nawa’y panga-lagaan ninyo ng mabuti ang biyayang iyan. Sa anumang pagsubok na darating sa inyong pagsasama, alala-hanin ninyo na ang pagtatagpo ninyo ay isang espesyal na regalo ng tadhana na dapat ingatan, igalang, at pagyamanin araw-araw sa pamamagitan ng tapat na pagmamahalan at magandang komunikasyon.
More blessings at salamat sa inspirasyong hatid ng inyong kwento sa marami nating tagasubaybay na naghihintay rin kanilang “tadhana”.
DR. LOVE
- Latest
















