Dear Dr. Love,
Akala ng bestie ko, ako pa ang may kasalanan sa nangyari sa kanya. Iniisip niya na para bang kinukunsinti ko ang mga kalokohan ng boyfriend niya, gayong ilang beses ko na siyang pinayuhan tungkol dito.
Sa kabila ng mga babala, nabuntis siya ng hindi oras kahit alam niyang babaero ang kanyang boyfriend. Ang mas masakit, iniwan lang siya ng lalaki matapos mangyari ang lahat.
Nakakalungkot dahil hanggang ngayon, patuloy pa rin niyang hinahabol ang lalaking paulit-ulit na nanloko at nagpabaya sa kanya. Bilang kaibigan, gusto ko siyang tulungan, pero parang ayaw niyang makinig. Kailan kaya siya matatauhan at makikitang hindi siya karapat-dapat tratuhin nang ganoon?
Jambi
Dear Jambi,
May mga taong nagiging bulag kapag sobrang in-love. Kahit malinaw na ang mga senyales ng panloloko at pagpapabaya, patuloy pa rin silang kumakapit sa pag-asang magbabago ang kanilang minamahal. Bilang kaibigan, nagawa mo na ang mahalagang bahagi ng iyong tungkulin: ang magpaalala, umalalay, at magsabi ng totoo. Pero hindi natin kayang baguhin ang isip ng isang tao kung hindi pa siya handang tanggapin ang katotohanan. Minsan, kaila-
ngan niyang maranasan at mapagtanto mismo ang mga pagkakamali para tuluyang matuto.
Huwag mong akuin ang responsibilidad sa mga desisyong siya mismo ang gumagawa. Ipagpatuloy mo lang ang pagiging mabuting kaibigan sa pamamagitan ng pakikinig, paggabay, at pagsuporta sa kanya, lalo na para sa kapakanan ng kanyang anak. Darating din ang panahon na mamumulat siya, pero ang pinakamahalaga ngayon ay alam niyang may kaibigan siyang handang umalalay kapag kaila-ngan niya.
Dr. Love