Wala akong alam sa BPI account ni Digong -- VP Sara
MANILA, Philippines — Mistulang nilaglag ni Vice President Sara Duterte ang ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte matapos na sabihin ng una na wala siyang matandaan na nagpartisipa siya sa joint bank accounts nilang mag-ama na naglalaman ng milyun-milyong halaga.
Sinabi ni private prosecutor Atty. Benjamin Tolosa Jr., na ang Senate impeachment court ay titimbang sa mga paliwanag laban sa halagang sangkot, paulit-ulit na transaksiyon at mga dokumento na pirmado mismo ni VP Duterte.
Sa paglilitis noong Miyerkules, sinabi ng defense panel na walang natatandaan si VP Sara may joint account sila ng kanilang amang sa Bank of the Philippine Islands (BPI) at hindi rin umano siya nagpartisipa sa anumang transaksiyon sa nasabing bangko.
Pero, base sa rekord ng BPI ang joint accounts ay nakapangalan mismo kina FPRRD at Sara na pinondohan ng dalawang time deposit na may orihinal na principal amounts na nagkakahalaga ng P40.65 milyon at P55 milyon.
Ang unang time deposit ay lumago ng mahigit P41.7 milyon na natukoy sa mga manager’s income checks na hindi nagamit bago naibalik sa source ng account at napatulong muli.
Ayon kay Tolosa si VP Duterte mismo ay dapat na magpaliwanag sa isyung ito at hindi basta na lamang sabihin na wala siyang nalalaman gayong sa records mismo ng bangko ay joint account ito at pirmado pa mismo ng respondent ang signatory card.
- Latest
















