^

Dr. Love

Ayaw nang umuwi

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin n’yo na lang po akong Ramon. May asawa po ako at may sariling pamilya, pero nitong mga nakaraang buwan ay parang ayoko nang umuwi sa bahay namin.

Hindi po dahil may ibang babae ako o ayaw ko sa pamilya ko. Ang totoo, napapagod na ako sa paulit-ulit na away namin ng biyenan ko. Dahil wala akong permanenteng trabaho, madalas niya akong pagsabihan at ipamukha na wala akong maibigay na maayos na kinabukasan sa anak niya.

Sinisikap ko naman po maghanap ng trabaho at tumanggap ng kung anu-anong pagkakakitaan para may maiambag sa pamilya. Pero kahit anong gawin ko, kulang pa rin. Masakit marinig ang mga salita na parang wala akong silbi dahil hindi ako regular na empleyado.

Dahil dito, mas pinipili ko na lang na magtagal sa labas kaysa umuwi. Pero alam kong hindi ito solusyon. Mahal ko ang asawa ko at ayaw kong masira ang pamilya namin dahil lamang sa mga sigalot sa bahay.

Ramon

 

Dear Ramon,

Naiintindihan ko kung bakit ayaw mo nang umuwi. Masakit ang palaging pinupuna, lalo na kung ginagawa mo naman ang lahat para may maiambag sa pamilya. Pero tandaan mo, ang paglayo sa bahay ay pansamantalang takas lamang sa problema.

Gawing mong inspirasyon ang mga puna, hindi dahilan para pang-
hinaan ng loob.

Kausapin mo nang maayos ang iyong asawa. Hingin mo ang pag-unawa at suporta niya bilang katuwang sa buhay.

At sa biyenan mo, huwag mong gantihan ang masasakit na salita niya. Ipakita mo sa gawa ang iyong pananagutan.

Tandaan mo, ang tahanan ay dapat ma-ging lugar kung saan natututo ang pamilya na mag-usap, umunawa at magbigay ng pagkakataong magbago ang bawat isa.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with