Tamad maligo si misis
Dear Dr. Love,
Feeling ko napakaswerte ko sa girlfriend ko noon— maganda, makinis, mabango. Pero ngayong kasal na kami, roon ko lang nadiskubre na takot pala siya sa tubig. Ayaw niyang maligo araw-araw, at ang katuwiran niya ay sapat na raw ang magpunas-punas. Hindi naman siya nangangamoy, pero syempre, tao lang, pagpapawisan pa rin.
Kahit anong pakiusap ko, parang wala siyang naririnig. Nati-turn off tuloy ako, kahit sobrang ganda pa rin niya kahit dalawang taon na kaming kasal. Minsan, napipilitan na lang akong matulog kaysa pagbigyan ang lam-
bing niya. Ano ba ang dapat kong gawin para makumbinsi siyang maligo?
Sir Dan
Dear Sir Dan,
Minsan, may mga tao talagang may takot o discomfort sa tubig, kaya hindi sila mahilig maligo. Baka nga nalalamigan si misis lalo na ngayong tag-ulan. Subukan mong gawing masaya at intimate ang experience — sabayan mo siya sa paliligo para hindi niya maramdaman na obligasyon lang ito.
Pwede mo ring ipakiusap sa mga kaibigan o kapamilya niya na magbigay ng gentle advice. Mas madali kasing makinig ang isang tao kapag hindi lang mula sa asawa ang paalala. Ang mahalaga, ipakita mo na ang pagligo ay hindi lang tungkol sa hygiene, kundi tungkol din sa comfort, intimacy, at kalusugan.
Dr. Love
- Latest




















