^

Dr. Love

Pinagbawalang mag-cellphone

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay 16 years old at 4th year high school na. Hanggang ngayon ay masama pa rin po ang loob ko sa aking nanay.

Opo, nagagalit ako sa kanya dahil tinanggalan niya ako ng cellphone nang mahuli niyang may ka-text ako.

Single mom po si nanay, hindi sila kasal ng tatay ko. Pero hindi niya alam na sa maraming pagkakataon ay nababasa ko ang palitan nila ng messages ng hindi isa, kundi ng dalawa niyang ka-text.

Kaya naman lalong naghihimagasik ang kalooban ko. Bakit sukdulan ang paghihigpit niya sa akin, gayung ka-text lang naman ang nakita niya, at hindi naman nakakaapekto ang bagay na ‘yun sa aking pag-aaral. Tapos siya, na may dalawang ka-text ay okey lang? Nasaan ang hustisya?

Ang punto ko lang naman po, responsable naman ako sa pag-gamit ng cellphone, bakit niya ako hinihigpitan gayong ginagawa rin naman ang makipag-text.

May mali po ba ako sa obserbasyon at stand ko sa paghihigpit sa akin ng nanay ko? Sa totoo lang po, marami nang pagkakataon na nauudyukan na ako ng inis at galit sa paghihigpit sa akin ni nanay para sagutin siya at umalma sa tingin ko ay hindi patas na pagtrato niya sa akin.

Gusto rin po sabihin sa kanya na makailang beses ko nang nababasa ang tungkol sa dalawang ka-text niya, pero natatakot pa rin ako na magalit siya.

Kaya hindi ko rin po nagagawa. Pagpayuhan po ninyo ako, Dr. Love.

Jeli

Dear Jeli,

Hindi tama na pakialaman o basahin mo ang cellphone ng iba, kahit pa nanay mo. Ang respeto sa pribadong buhay ay mahalaga, lalo na sa relasyon ng magulang at anak. Gayunman, mainam na magsabi ka ng totoo sa nanay mo para magkaroon kayo ng pagkakaunawaan.

Ipaliwanag mo rin ang nararamdaman mo at ang gusto mong mangyari. Pero higit sa lahat, makinig ka sa payo ng magulang dahil ang layunin nila ay para sa ikabubuti mo.

Ang pagsunod at pagrespeto sa kanya ang magbibigay sa iyo ng mas maayos na direksyon sa buhay at makakatulong para makapagtapos ka ng pag-aaral nang walang pagsisisi.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with