^

Dr. Love

Gustong aminin Pero ‘di magawa

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po. Ako po si Reinan, simpleng binata na may lihim na kinikimkim—isang damdaming matagal ko nang gustong aminin, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawa.

May isang babae po akong matagal nang gusto. Hindi naman siya artista o sikat, pero para sa akin, siya na ang pinakamaganda.

Sa tuwing nakikita ko siya, parang ang dali ng mundo. Pero sa tuwing naiisip kong kausapin siya tungkol sa nararamdaman ko, bigla akong nauubusan ng lakas ng loob.

Takot akong ma-reject. Takot akong baka masira ang kung anong meron kami ngayon—kahit simpleng usap lang o batian. Takot din akong baka hindi pa ako sapat para sa kanya.

Kaya heto ako, hanggang tingin na lang. Hanggang pangarap na lang. Habang siya, baka may ibang naghihintay na pagkakataon na hindi ko kayang sunggaban.

Reinan

Dear Reinan,

Alam mo, hindi ka nag-iisa sa laban na ‘yan. Maraming binata ang matapang sa ibang bagay, pero pagdating sa puso—biglang na-giging mahiyain.

Pero eto ang totoo, hindi mawawala ang takot—pero puwede mo itong lampasan. Hindi mo kailangang biglain ang sarili mo. Hindi rin kailangan na maging dramatic agad ang pag-amin.

Minsan, nagsisimula ang lahat sa simpleng “kumusta?”, sa paglalaan ng oras, sa pagpapakita ng tunay mong pagkatao.

Ang panliligaw ay hindi lang laban ng lakas ng loob—ito ay laban ng katapatan at consistency.

Oo, may posibilidad na masaktan ka. Ganon talaga ang reyalidad. Dahil magkaibang personalidad kayo at hindi pa ganoon magkakilala.

Pero mas masakit ang “what if” na maaari mong dalhin mo habang buhay magpapata-ngay ka na lang sa kawalan ng lakas ng loob.

Mas kaya mo bang harapin ang rejection, o ok na sa’yo ang mabuhay na hindi mo man lang sinubukan ang tungkol sa isang matagal nang hangarin?

Hindi mo kailangang maging perpekto para maging sapat. Ang kailangan mo lang ay maging tapat at totoo.

Simulan mo sa maliit na hakbang.Lahat naman ng tagumpay ay rito nagsisimula.

Kilalanin mo siya,  bilang siya, bilang miyembr ng pamilya o kaya bilang isang kaibigan para sa iba.Ang matutuklasan mo rito ay mabisang clue kung paano mo maipaparamdam sa kanya kung gaano ka kainteresado, at kapag dumating ang tamang pagkakataon—tsaka mo itodo ang iyong lakas ng loob. Iturin mo na it’s now o never. Sabihin mo ang feelings mo. Tandaan mo, ang pusong marunong sumubok ay pusong marunong magmahal.

DR. LOVE

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with