^

Dr. Love

Na-friend zone

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa buong high school life ko ay iisa lang ang naging crush ko. Talagang buo ang support ko sa kanya. Wala akong pinalampas na mga activities at projects niya sa school, as in sa lahat, present ako. Dahil isa siya sa mga leaders namin.

Super proud pa naman ako na siya ang valedictorian namin. Ang hindi ko inaasahan ay kung ano narinig at nakita ko sa kanyang speech. Pinasalamatan niya ‘yung isa naming classmate na girlfriend na pala niya.

Ang hapdi, Dr. Love! Akala ko ay may pagtingin din siya sa akin, ‘yun pala ay na-friend zone lang ako, as in kaibigan lang ang peg ko sa kanya.

Parang nagkarambola ang kalooban ko. Siguro dahil nag-expect ako nang todo, pero “nganga.” Ang sakit po! Pagpayuhan po ninyo ako, kasi hindi ko alam kung paano ako makaka-move on?

Chelzy

Dear Chelzy,

Get na gets ko ang feelings mo. Alam ko na hindi talaga madali ang pinagdaraanan mo. Pero alam mo, marami na ang dumaan sa ganyang yugto ng paghanga at pag-aakalang type din sila ng crush nila.

At lahat naman ng kakilala ko na dumanas ng ganyan ay masaya sa kanilang kasaluku-yang love life. Kung bakit ko nabanggit ito, dahil gusto ko ma-realize mo na malalampasan mo rin ang disappointment na ‘yan.

Ganun talaga ang buhay, maraming bagay tayong inaasahan na hindi pala tugma sa reyalidad.

Hindi lahat ng magustuhan natin ay para sa atin. May pagkakataon na nagiging daan lang sila para mapunta tayo sa ating kapalaran.

Hindi madali ang mag-move on, pero darating ang oras na tatawanan mo na lang ang sakit na nararamdaman mo ngayon.

Sikapin mo na magpakatatag at positbo sa pag-iisip.

Dahil nakakatiyak ako na may ibang nakatadhana para sa iyo. Bata ka pa at marami ka pang makikilalang lalaki na mas karapat-dapat sa iyong atensiyon.

Pero for the meantime, magpokus ka muna sa pag-aaral mo. Dahil sa sandaling makatapos ka, hindi basta-basta ang mga magiging suitors mo. Pasasaan ba at darating din ang right person para sa iyo.

Sa panahong ‘yun, ready ka sa love life na nakatakda sa’yo.

Dr. Love

CRUSH

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with