‘Turn off’ sa boyfriend
Dear Dr. Love,
Two years na kami ng boyfriend ko pero habang nagtatagal ay lumilitaw ang kanyang “bad habits” na nagpapawala ng gana sa akin. Kapag kumakain kami sa labas, para siyang baboy na pumapalatak o tumutunog ang bibig kapag kumakain.
Madalas din mangulangot in public at nagkakamot ng harap niya. Guwapo siya at gentleman nang una kong makilala kaya attracted ako sa kanya. Pero ngayong nakikita ko ang bad habits niya, parang gusto ko nang makipag-break.
Nahihiya naman akong magsabi sa kanya ng kanyang kapintasan at baka mainsulto. Hindiko na alam kung paano ang gagawin, Dr. Love dahil talagang nate-turn off na ako sa kanya. Pagpayuhan po ninyo ako.
Cheri
Dear Cheri,
Magpakatotoo ka. Boyfriend mo siya at puwede mong sabihin ang mga bagay na ayaw mo sa kanya na dapat niyang ayusin.
Walang masama sa kritisismo basta’t ito’y para sa ikabubuti at hindi sa layuning mang-insulto.
Nang sagutin mo ang boyfriend mo presumably ay mahal mo siya. Kung mahal mo ang tao, hindi mo ipagwawalang-bahala kung may nakikita kang palpak sa kanyang pagkatao.
Open up. Sabihin mo ang kanyang kapintasan para mabago niya ang kanyang sarili. Give him a chance to reform at kapag wa epek, doon ka makipag-break.
Dr. Love
- Latest




















