^

Dr. Love

Away mag-asawa

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Limang taon na kaming mag-asawa ng misis ko. Hindi ko na matiis ang ugali niya. At marahil ganundin din siya sa akin.

Lagi kaming nag-aaway at hindi nagkakasundo. Pilit ko siyang inuunawa, pero parang nagsasawa na ako.

Ang sinasabi sa akin ng misis ko,  insecure lang daw ako dahil sa mas malaki ang suweldo niya kaya raw feeling ko ay naaapakan ang pride ko bilang lalaki.

Siguro nga, pero sobra na ang pangmamaliit niya sa akin. Yumabang na siya. Pati sa bahay dinadala niya ang pagka “boss” niya.

Nag-aalala lang ako sa dalawang anak namin. Ayaw kong lumaki silang ganito ang sitwasyon namin.

Ano ba ang gagawin ko?

Percy

Dear Percy,

Bilang mag-asawa ay kailangan ninyong maunawaan na ang relasyon ay isang partnership, at hindi kompetisyon. Bakit hindi mo subukan muling kausapin si misis sa malumanay na paraan, ‘yung wala kahit anumang bahid ng panunumbat o paninisi.

Alalahanin ninyo kung bakit kayo mag-asawa. Makakatulong kung magagawa mong balikan ang mga panimula ninyo at sikapin mangibabaw ang pagmamahal na nagbuklod sa inyo.

Importante na kapwa ninyo matutunan na mag-adjust bilang pangangalaga sa inyong pagsasama.

Kung may pagkakataon, subukan ninyong magpa-counsel para kapwa ma-realize kung ano ang tugmang hakbang para maayos ang inyong relasyon.

Dr. Love

PERCY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with