^

Dr. Love

Naging sadista si mister

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po ay isang maybahay na ilang taon nang kasal sa aking mister. Sa simula, maayos at masaya ang aming pagsasama.

Ngunit nitong mga nakaraang buwan, tila nagbago ang lahat. Nagsimula siyang malulong sa alak—madalas siyang umuuwing la-sing at sa tuwing ganoon, nagiging marahas siya.

Hindi ko po inaasahan na darating sa puntong sasaktan niya ako, pero nangyari na po na sobrang ikinagulantang ko.

Nagulpi po ako ng asawa ko, Dr. Love. Isang gabi matapos siyang mag-inom para siyang halimaw na naging sobrang marahas. Hanggang ngayon ay dala ko pa ang sobrang takot at hapdi ng mga pag-umbag niya sa akin.

Hindi ko po alam kung paano haharapin ito. Lam ng Panginoon kung gaano ko kamahal ang aking mister.

Pero hindi ko po magawang dedmahin ang malupit na karanasan ko sa kanya. Di-nadapuan ako ng matinding kaba at sa aking palagay hindi ko na kayang tiisin ang kanyang pananakit.

May mga anak po kami, at ayokong lumaki sila sa isang tahanang puno ng takot at galit. Gusto ko sanang tulungan ang mister ko, pero hindi ko na rin alam kung ligtas pa akong manatili sa piling niya.

Mely

Dear Mely,

Ang pananakit ay hindi bahagi ng tunay na pagmamahal. Unahin mo ang iyong kaligtasan at kapa-kanan ng iyong mga anak.

Humingi ka ng tulong sa mga taong mapagkakatiwalaan at sa mga organisasyong tumutulong sa mga biktima ng karahasan. Maghanap ka ng ligtas na espasyo para sa iyo at sa iyong mga anak.

Kung handa siyang magbago, maaari siyang sumailalim sa counseling o rehabilitation.

Pero huwag mong isakripisyo ang sarili mong kaligtasan habang hinihintay ang pagbabagong iyon.

Mahal mo siya, oo. Pero mas mahalaga na mahalin mo rin ang iyong sarili.

Kung handa siyang magbago, dapat siyang humingi ng propesyonal na tulong.

Pero tandaan mo, na hindi kailangang manatili kung ikaw ay patuloy na nasasaktan. Mag-ingat ka.

Dr. Love

DR.LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with