^

Dr. Love

Barkada ang Inuuna ng bf

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magandang araw po. Tawagin ninyo na lamang akong Zen. Sumulat po ako sa inyo dahil hindi ko na alam kung paano ko haharapin ang nararamdaman ko.

May boyfriend po ako na mahal na mahal ko, pero sa tuwing may plano kami o kailangan ko siya, mas inuuna pa rin niya ang barkada niya.

Hindi ko naman po sinasabing huwag na siyang makisama sa mga kaibigan niya, pero parang ako na lang palagi ang pangalawa.

Ang mas masakit po, kapag kinakausap ko siya tungkol dito, parang ako pa ang mali.

Parang ako pa ang masyadong demanding. Pero Dr. Love, hindi ba dapat kapag may relasyon, may respeto at balanseng oras?

Paano na lang po kung mag-asawa na kami? Ganito pa rin ba ang trato niya sa akin? Hindi ko po alam kung ako ba ang masyadong umaasa o siya lang talaga ang hindi handa.

Gusto ko po siyang kausapin ulit, pero natatakot ako na baka mag-away lang kami.

Ayokong mawala siya, pero ayoko rin po na palaging ako ang nag-a-adjust.

Ano po ba ang dapat kong gawin?

Paano ko po malalaman kung mahal niya talaga ako, kung palagi akong pang huli sa atensiyon niya?

Umaasa po ako sa inyong payo, Dr. Love. Sana po matulungan ninyo akong maintindihan ang sitwasyon ko.

Zen

 

Dear Zen,

Kung inuuna pa rin ng boyfriend mo ang barkada kaysa sa relasyon ninyo, oras na para tanungin mo siya kung handa ba talaga siyang maging partner sa buhay.

Sa isang seryosong relasyon, lalo na kung papunta na sa pag-aasawa, dapat pareho ka-yong marunong mag-prioritize at mag-adjust.

Hindi mo trabaho ang laging umunawa kung ikaw na ang nasasaktan. Tandaan mo na ang healthy relationship ay laging two way. Hindi uubra na isa lang ang mag-aalaga at magpapahalaga. Dahil darating ang araw na mabe-burnout ka na.

Kaya ang payo ko ay kausapin mo ang boyfriend mo nang diretsahan—sabihin mo na hindi mo kayang maging pangalawa sa buhay ng taong mahal mo. Kung hindi siya handang magbago o makinig, baka hindi siya ang tamang kasama sa hinaharap mo. Dahil importante para sa’yo na maramdaman at makita na pinahahalagahan ka rin.

Hindi mo kailangang magmakaawa para sa atensyon at respeto. Ang tunay na pagmamahal ay kusang ipinagkakaloob ito bilang patunay ng tapat na intensiyon. Bata ka pa naman, marami ka pang makikilala at maaa-ring isa sa mga ‘yun ang ideal partner na magpapahalaga sa’yo.

DR. LOVE

BARKADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with