^

Dr. Love

Binabantaan ang bf

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Isang mainit na pagbati sa inyo. Ako po si Julia, 21-anyos. May boyfriend po ako at isang masugid na manliligaw na kilalang siga-siga sa lugar namin.

Bago pa lang kami ng bf ko at namumroblema na siya sa pagdalaw sa akin. Pinagbabantaan siya ng mga grupo ng tambay sa aming lugar na pinamumunuan ng masugid kong suitor.

Hindi niya pinapansin ang banta at isang araw ng Sabado nang dalawin niya ako ay binugbog siya.

Hindi naman siya pinuruhan. Parang warning lang na seryoso sila sa banta.

Ako na mismo ang nagsabi sa bf ko na sa labas na lang kami magtagpo. Natatakot ako na baka pati ako ay gawan ng masama.

Ano ang dapat kong gawin?

Julia

Dear Julia,

Posibleng mangyari ang hinala mo kaya mag-iingat ka. Sana ‘yung nangya-ring pambubugbog sa boyfriend mo ay ni-report n’yo agad sa pulis.

Kung sa bagay puwede pa namang i-report iyan para lang mahadlangan ang masamang maaaring mangyari.

Alam ba iyan ng mga magulang mo at kapatid?

Dapat lang na malaman nila ito para kasama mo silang gumawa ng paraan para mahadlangan ang masamang balak sa iyo ng siga-sigang iyan.

Dr. Love

JULIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with