Mapo-propose pa ba?
Dear Dr. Love,
Nagpaalam na ako sa tatay ng girlfriend ko na magpo-propose na ako sa kanilang anak ngayong taon para sa plano naming pagpapakasal.
Pero sa paglipas ng mga buwan, sa hinagap ko...hindi na gaya noon ang estado ng kalooban ko para sa aking girlfriend.
Nakakaramdam ko ngayon ng pagsisisi, sa dahilan na ‘yung girlfriend ko ay hindi pa rin nagbabago ng ugali.
Wala nang ginawa samga panahon ng aming relasyon kundi kontrolin ang mga kilos at mga desisyon ko sa buhay. Hindi na ako masaya ko, Dr. Love.
Laging humahagip sa isip ko ang tanong kung ito ba ang klase ng babae na pipiliin kong mapangasawa-- makasarili at hindi marunong rumespeto sa personal space ko?
Tama ba na ituloy ko pa ang mag-proprose?
Jay
Dear Jay,
Timbangin mong mabuti dahil future mo at ang bubuuin mong pamilya ang nakataya.
Makatutulong kung kausapin mo nang masinsinan sa isa pang pagkakataon ang girlfriend mo. Ipaalam mo sa kanya ang ugali niya na ina-
ayawan mo, para rin malaman niya na hindi ‘yun ok sa’yo.
Sa ganitong paraan ay nabubuksan ang komunikasyon ninyo. Pero kung sa kabila ng lahat ay talagang hindi siya magbago, baka nga dapat ka nang magdesisyon na huwag nang ituloy ang pagpo-propose at maging ang magpakasal para ‘di ka magsisi sa huli.
Dr. Love
- Latest



















