^

Dr. Love

Minor de edad,nag-live in

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ikubli mo na lang ako sa pangalang Andrew, 17-anyos. Dalawang buwan na kaming nagli-live in ng jowa kong si Cez, 15-anyos at malaki ang problema namin.

Kasi, fifty thousand pesos na lang ang natitira sa ipon ko na P200K. Ang halagang ito ay inipon ko mula sa aking allowance na bigay ng parents ko.

Ginagamit namin ang pera na pang gastos dahil nagtanan kami ni Cez, bagay na lubhang ikinagalit ng mga parents namin lalo na ang daddy ko. Nakatira lang kami ngayon sa bahay ng best friend at classmate ko na si Jonah.

Libre pagkain pero nagko-contribute din ako minsan mula sa ipon kong pera. Pero ngayo’y mauubos na ang pera at nakakahiya sa mabait na magulang ng friend ko.

Pinapayuhan nga nila kami na magbalik sa magulang namin pero natatakot kami dahil galit na galit sila.

Ano gagawin namin?

Andrew

Dear Andrew,

Dapat ay mahiya kayo. Mabait lang ang parents ng kaibigan mo kaya pinapayuhan kayong magbalik sa inyong tahanan. Pero sa totoo lang, pabigat kayo sa kanila.

Nakagawa kayo ng hindi tama kaya galit ang magulang ninyo. Pero kung uuwi kayo sa kaniya-kaniyang bahay, patatawarin nila kayo.Musmos pa kayo at minor de edad. Gustuhin man ninyo, hindi kayo puwedeng ikasal.

Kung may nangyari na sa inyo, huwag nang hintayin na mabuntis ang jowa mo. Saka na iyang balak ninyong magsama, unahin n’yo muna ang inyong pag-aaral para matiyak ang seguridad ng inyong future. Nawa’y magawa ninyong itama ang inyong maling desisyon.

Dr. Love

ANDREW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with