^

Dr. Love

Ipinagpalit sa pangit

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matagal ko nang pinatawad ang mister ko sa kataksilang ginawa niya sa akin. Five years ago na ‘yun pero tuwing naaalala ko ay nanggigigil ako sa galit.

Hindi sa pagyayabang, napakaganda ko. Kinukuha nga akong model nung bata pa ako pero hindi ako pumayag.

Grabe ang ginawa ng mister ko, ipinagpalit ako sa mukhang kabayo. Hindi ako nanlalait ngunit iyan talaga ang hitsura niya. Malaki ang bunganga at usli ang ipin.

After one month, bumalik sa akin ang mister ko at humingi ng tawad. Pinatawad ko siya at nagsama kaming muli. Pero tuwing naaalala ko na ipinagpalit ako sa pangit, gusto kong sakalin ang asawa ko.

Paano mawawala ang galit na ito?

Sioning

Dear Sioning,

Ang pagpapatawad ay laging may lakip na paglimot. Nagsisi na ang asawa mo at humingi ng tawad sa iyo.

Kung talagang pinatawad mo na siya, hindi na dapat mag-flashback ang ginawa niyang kasalanan.

Naniniwala ako na ang tunay na pagpapatawad ay magagawang hindi na balikan ang mapait na nakaraan. Hingin ang grasya ng Panginoon para magharing ganap sa puso at isip mo ang tunay na pagpapatawad sa iyong asawa.

Hangad ko na maglaho na nang tuluyan ang hindi magandang alala sa nagawang pagkakasala ng iyong mister.

Dr. Love

GALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with