^

Dr. Love

Senior citizen ang bf ng ina

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Halos 15 years nang namatay ang tatay ko. Mula noon ay solo na kaming pinalaki at pinag-aral ng aming ina. Ang kuya ko ay 25 years old na at ako ay 23 years old. Okey naman sa amin na mag-asawa si nanay kaso ay sobrang senior citizen na ang nobyo niya.

Ang feeling namin ay si nanay pa ang mag-aalaga sa kanyang matandang nobyo. May pera naman ang biyudong nobyo ni nanay, ayaw lang namin na maghirap pa si nanay.

Pareho kaming hindi boto ni kuya, pero nakikita namin na masaya ang aming ina, pero wala kaming magawa dahil balak nilang magsama na.

Ano po gagawin namin? Parehong wala pa ka-ming asawa ni kuya. Kaya feeling namin ay hindi na kailangan ni nanay na mag-asawa pa muli.

Liela

Dear Liela,

Naiintindihan ko ang pag-aalala ninyo dahil ayaw ninyong mahirapan ang nanay nyo. Pero tandaan ninyo na matapos ang maraming taon na pagsasakripisyo niya para sa inyo, may karapatan din siyang piliin ang magpapasaya sa kanya. Kung mabuti ang intensyon ng kanyang nobyo at maayos ang pagtrato nito sa inyong ina, subukang bigyan sila ng pagkakataon.

Maging praktikal din. Kausapin si nanay tungkol sa mga plano nila sa kalusugan, gastusin, at pag-aalaga sa isa’t isa habang tumatanda.

Mahalaga rin na malinaw ang usapan tungkol sa pera at mga ari-arian para maiwasan ang problema sa hinaharap.

Ipahayag ninyo ang inyong saloobin bilang mga anak, pero gawin ito nang may paggalang. Sa huli, hindi edad ng nobyo ang pinakamahalaga kundi kung tunay bang napapasaya, nirerespeto, at inaalagaan nito ang nanay nyo.

Kung masaya siya at wala naman kayong nakikitang masamang dahilan, mas mabuting suportahan kaysa ma-
ging hadlang sa kanyang kaligayahan.

Dr. Love

KUYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with