^

Dr. Love

Papaano muling susuyuin?

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sa dinamirami ng mga naging jowa ko, si Cristy ang minahal ko ng tunay at tapat. Siya ang nagpabago sa ugali kong chickboy.

Alam kong mahal din niya ako. Pero sabi nga, boys will always be boys.

Umiral ang pagka-mahiligin ko sa magandang babae at nahuli ako ni Cristy na may ka-date sa sinihan sa isang mall.

Nagkataong siya at mga katropa niya na  puro babae ay nanood din nub araw na ‘yun. At sa hindi inaasahang ay nakita niya ako sa akto na kaakbay ang isang sexy na chick habang papalabas ng sinihan.

Bagaman walang komprontasyong nangyari. Agad-agad ay nakipag-break siya sa akin. Sinikap ko na magpaliwanag sa kanya at humingi ng sorry,  pero ayaw niyang pakinggan ang paliwanag ko.

Pagpayyuhan po ninyo ako kung paano ko siya susuyuing muli?

Zaldy

Dear Zaldy,

Ang ginawa mo ay malinaw na betrayal of trust. Pinagkatiwalaan ka ng gf mo pero sinira mo ang tiwalang yaon, na mahalaga sa pagkakaugnayan ninyo bilang magkarelasyon.

Masakit ‘yan, na hindi basta huhupa sa paglipas ng mga araw. Maaaring maraing buwan o kaya’y umabot ng taon dahil it really take time bago maghilom ang sugat.

Pero sige, subukan mong ligawan siya muli pero kung papaano, diskarte mo na iyan.

Hindi natin matitiyak kung tatanggapin ka pa niya but there’s no harm in trying.

Kung talagang seryoso ko na ma-win uli ang puso niya, dapat maging handa ka gaano man maging makitid ang daan para sa goal na ‘yun, o maaaring gaano man katagal ang abutin bago ka niya pansinin o kung dara-ting pa ba talaga ang time ‘yun.

Ano man ang ma-ging kahinatnan ng relasyon ninyo ng girtlfriend mo, nawa ay maging mahalagang aral sa’yo ang pangyayaring ito.

Pagsikapan mo rin na maging tapat sa lahat nang pagkakataon sa iyong commitment sa partner mo.

Dahil natitiyak ko na kung sa’yo gagawin, halimbawa magkabaliktad ng situwasyon na girlfriend mo ang makita mong may kaakba-yang lalaki, hindi mo rin magugustuhan. Good luck sa’yo!

Dr. Love

CRISTY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with