^

Dr. Love

Mabirong asawa

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ang problema ko po ay ang mister kong palabiro. Mahilig siyang magpatawa at magbiro kahit sa mga taong hindi niya kilala.

Halimbawa, may nakasabay kaming kalbo sa elevator na hindi namin kilala.

Biniro niya ng “Brad, akala ko si Bembol Roco ka.”

Mabuti kung hindi pikon ang binibiro niya.

Minsan, habang nakapila kami para umorder ng pagkain sa isang fastfood, may biniro uli siyang kalbo na tumingin ng masama sa kanya at nagmura ng “___ina mo, kilala ba kita?”

Pati ako ay napahiya dahil nagtinginan sa kanya ang mga tao.

Kahit paingsabihan ko siya ay hindi ko siya mapigil. Natatakot ako na baka may mapikon sa biro niya at saktan siya. Ano gagawin ko?

Miña

Dear Miña,

Hindi dapat magtaas ng boses ang babae sa asawang lalaki ngunit sa kaso mo, magpakita ka na ng galit sa wala sa hulog na ginagawa ng asawa mo.

Sigawan no siya dahil nakakahiya siya.

Kapag nakatagpo siya ng super pikon, malamang hindi lang mura ang abutin niya. Takutin mo na siya na lalayasan mo siya kapag umulit pa siya.

Siguro naman ay matatakot na siya sa ganyang warning kahit hindi mo naman tototohanin.

Minsan, dapat gumamit ng galit sa mga taong makukulit.

Dr. Love

BEMBOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with