^

Dr. Love

Feeling pogi ang boyfriend

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Sumulat ako sa inyo dahil gusto kong humingi ng payo tungkol sa boyfriend kong “feeling pogi,” na masyado nang nakakaapekto sa relasyon namin.

Noon, natutuwa ako sa kumpiyansa niya sa sarili. Masayahin siya, palatawa, at marunong magdala ng sarili. Pero habang tumatagal, napapansin kong masyado na siyang bilib sa sarili. Mahilig siyang magpa-cute, laging nakaayos kahit simpleng lakad lang, at panay ang selfie na parang model. Ang mas nakaka-stress, mahilig siyang magpa-charming sa ibang babae—kahit sa harap ko!

Sinubukan ko nang sabihin sa kanya na naiinis ako sa mga kilos niya, pero ang sagot niya lang: “Wala namang masama kung friendly ako, ‘di ba?”

Para sa kanya, wala siyang ginagawang mali. Pero ako, parang nagmumukha akong insecure at selosa.

Dr. Love, dapat ba akong magtiis, makipag-usap pa ulit, o baka kailangan ko nang mag-isip kung ito ba ang tamang relasyon para sa akin?

Mina

Dear Mina,

Mahalagang linawin na ang pagiging self-confident ay hindi naman masama.

Pero kung ito ay umaabot na sa puntong nakakasakit na ng damdamin ng iyong partner, doon nagkakaroon ng problema. Ang isang relasyon ay dapat may respeto at malasakit sa nararamdaman ng isa’t isa.

Ipaliwanag mo na hindi ito tungkol sa pagiging selosa, kundi tungkol sa hangganan ng respeto sa relasyon ninyo.

Kung sabila ng lahat ay hindi pa rin siya nagbago, nasa iyong kamay ang desisyon, Mina. Maging tapat ka sa iyong sarili at sa iyong nararamdaman.

Dr. Love                  

SARILI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->