Kasal kapalit ng pag-aaral
Dear Dr. Love,
Tawagin mo na lang akong Lyra, 20 anyos. Gustong-gusto ko pong mag-aral ng pagka-doktor pero sabi ng father ko, hindi niya kaya ang matrikula kaya business administration ang gusto niyang ko kuhanin.
May boyfriend ako at isa pang suitor na medyo type ko rin.
Two years na kami ng bf ko pero pina-ngakuan ako ng suitor ko na anak ng mayamang negosyante na papag-aralin ako ng kanyang papa kung siya ang pipiliin ko.
Kaso gusto niya na pakasal na kami. Inimbitahan nila ako sa bahay nila para magkausap kami ng papa niya na botong-boto sa akin.
Mahal ko ang bf ko pero gusto kong maabot ang ambisyon ko na maging doktor.
Paano ako magtatapat sa kasintahan ko.
Lyra
Dear Lyra,
Mahirap talagang makipagkalas sa kasintahan na mahal mo.
Pero kung higit na matimbang ang ambisyon mo, dapat mong lakasan ang loob mo at maging open sa kanya.
Pero tiyakin mo na mahal mo rin ang iyong suitor at hindi ka magsisisi kung siya ang mapapa-ngasawa mo. Hindi biro ang makisama sa taong wala kang nararamdaman kahit kaunting pagtingin.
Kung inaalala mo na masasaktan ang bf mo, talagang masakit ang gagawin mo pero dapat mo itong gawin kung talagang desidido ka nang tanggapin ang alok ng mayaman mong suitor.
Dr. Love
- Latest