^

Dr. Love

Nakakakita ng multo

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Habang tumatagal, natatakot na akong makisama sa aking asawa na si Diday. Sabi niya, mayroon siyang “third eye.”

Nang bagong kasal kami, nanuluyan kami sa isang apartment pero wala pang isang linggo ay hinimok niya akong humanap ng ibang matitirhan dahil nakakakita raw siya ng mga espiritu at ibang elemento. Wala naman akong nakikita pero pinagbigyan ko siya.

Lumipat kami sa ibang apartment pero ganun din. May mga naririnig siyang iyak ng mga bata at kung ano-anong kababalaghan.

Tatlong ulit kaming lumipat pero laging ganoon ang nangyayari.

Sabi ko sa kanya, kung lagi siyang ganoon, kahit saan kami ay susunod ang mga pangitain niya. Hindi ko na siya pinagbigyan sa kagustuhan niyang lumipat kami.

Ngunit apektado na ako dahil tuwing madaling araw ay bigla na lamang siyang naghi-hysterical.

Ano ang gagawin ko?

Ranier

 

Dear Ranier,

Ang alam ko, ang may third eye at ‘di takot sa kanyang mga pangitain. It’s either may mental illness siya na dapat ikonsulta sa psychiatrist o baka ito’y uri ng demonic possession.

Ikonsulta mo siya sa psychiatrist para matukoy ang problema at magamot siya.

Kung walang pagbabago, kailangan marahil na siya ay ipanalangin ng isang tunay na Kristiyanong pastor upang maitaboy sa Ngalan ni JesuCristo ang masamang espiritung nakalukob sa kanya.

Dr. Love

vuukle comment

DR. LOVE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with