Kapag pinipigil, lalong nanggigigil
Dear Dr. Love,
Itong asawa ko, walang sawa sa kakaromansa. Ang tanda na namin, lima na ang anak namin parang gusto pang humirit. Eh, matigas ang ulo, ayaw tumigil. Kapag pinipigilan ko lalong nanggigigil.
Pagod na nga akong magtinda ng gulay maghapon sa talipapa. Siya naman nag-aararo sa maghapon. Kaso sa gabi, ako naman ang inaararo.
Nakukuha pang magbiro na hangga’t ka-yang umararo, aararuhin. Hayun ang dami naming anak. Ang panganay namin ay 13 years old pa lang. Hindi pa kayang makatulong sa paghahanap-buhay. Nakakatuwa at nakakaalis ng pagod din dahil masisipag silang lahat, maliban lang sa bunso na cellphone ng cellphone.
Wala namang pills dito sa lugar namin. Dadayo ka pa sa bayan para makahingi. Eh, ako naman ang nahihirapan sa panganganak.
Mahal ko naman ang mister ko kaya madalas hindi ko matanggihan. Isa pa, kaysa mambabae.
Gelin
Dear Gelin,
Aba’y ganun daw kapag mahal na mahal ka ng lalaki, gusto niya magsiping kayo nang magsiping. ‘Yun lang, talagang dadami kayo. Kaila-ngan din na nasa tamang panahon, hindi lang kung maisipan. Pwede naman kung aalamin mo kung kailan ka hindi fertile, saka kayo magsi-ping. Isangguni mo sa duktor kung ano ang mainam na gawin sa health center. Wala naman problema kung magsiping kayo, mag-asawa naman kayo. Pero dapat hinay-hinay lang. Kung mahal ka ng mister mo, irerespeto niya ang kalagayan mo.
DR. LOVE
- Latest




















