^

Dr. Love

Dalawa ang type sa manliligaw

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Maureen po ang pangalan ko at nasa senior high school. Sa apat na nanliligaw sa akin, dalawa ang nagugustuhan ko pero wala pa akong sinasagot. Kasi naman, wala akong itulak-kabigin sa kanila.

Parehong taglay nila ang mga katangiang hanap ko sa lalaki. Mahirap talagang pumili kaya naisipan kong hingin ang payo ninyo.

Si Dave ay guwapo pero average lang sa klase, hindi gaya ni Jack na laging nasa honor role.

Si Jack naman ay hindi masyadong guwapo at 5’4 lang ang height pero malakas ang appeal dahil matalino siya kaya popular sa campus.

Ano po kaya ang criteria sa tamang pagpili kung sino ang dapat kong sagutin sa kanila?

Sana po ay matulungan ninyo ako.

Maureen

 

Dear Maureen,

Kilalanin mo muna ng maigi ang ugali at pagkatao nila bago ka magpasya. Nasa high school ka pa lang at hindi dapat mag-apura sa pakikipagrelasyon.

Patagalin mo muna ang inyong pagkakaibigan at sa katagalan, lalo mong makikita ang kanilang mga katangian at kapintasan, at malalaman mo ang higit na karapatdapat sa kanila.

Dr. Love

vuukle comment

MANLILIGAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with