^

Dr. Love

Pinatawad pero  ‘di nagbago

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Nagkahiwalay kami ng seaman kong mister nang apat na taon. Pero kusa siyang bumalik para raw makasama muli kaming mag-ina niya. Pinatawad ko naman siya at muli kaming magkasama ngayon. Pero ewan ko ba, iba pa rin ang kutob ko sa ginawa ng mister ko. 

Ngayon ay nagbabakasyon siya, pero tuwing may tatawag sa kanya ay kailangan pa niyang lumabas ng bahay o magkulong sa kuwarto na katuwiran niya ay kasamahan daw niya sa barko. 

Samantalang ako, pati password ng telepono at kahit hinihiram niya ang cp ko ay wala siyang maisusumbat sa akin na may itinatago ako. Tuwing sasakay rin siya ng barko ay mas malakas ang pagdududa ko na sila pa rin ng kababata niyang girlfriend, pero hindi ko alam kung bakit hindi nag-workout ang pagsasama nila, pagkatapos nung iwan niya kami noon. 

Praning lang ba ako o may bahid ng katotohanan ang mga hinala ko sa mister ko? Napatawad ko naman siya, pero parang hindi naman nagbago ang asawa ko. Ano ba ang gagawin ko?

Rachel

Dear Rachel,

Hindi ka naman praning. Nasira ang tiwala mo nang iwan ka ng asawa mo noon kaya normal lang na magduda ka kapag may mga kilos siyang kahinahinala. 

Pero tandaan mo, ang kutob ay hindi pa rin katibayan. Sa halip na magkimkim ng hinala, kausapin mo siya nang mahinahon at sabihin ang tunay mong nararamdaman. 

Kung seryoso siyang buuin muli ang inyong pamilya, dapat handa rin siyang maging bukas at tapat sa iyo.

Ang payo ko, obserbahan mo ang kanyang mga ginagawa, hindi lang ang kanyang mga sinasabi. Ang tiwala ay hindi naibabalik sa pa-ngako kundi sa tuloy-tuloy na pagpapakita ng katapatan.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with