^

Dr. Love

Naaktuhan ng ama

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Kryz isang senior high student. Simula nang mahuli kami ni papa ng ex bf ko na nagki-kiss sa sala namin, hindi na niya ako pinayagang mag-bf. Unahin ko raw muna ang pag-aaral ko.

Hindi naman niya ako pinagalitan noon pero pinagsabihan niya ako na bawal na akong mag-bf. Huwag na huwag daw akong papahuli uli sa kanya. Wala namang comment si mama kundi sundin ko nga raw si papa.

Hindi naman namin sinasadya na maging intimate ang oras na iyon habang nanonood kami ng netflix. Eh, hindi ko naman alam na darating pala si papa ng maaga, hayun nahuli tuloy kami.

Nag-sorry kami ng ex-bf ko that time. Tumi-ngin lang si papa pero after na makauwi ang bf ko, sinabihan niya ako na huwag na muna ako mag-bf.

Sinabi ko ‘yun sa bf ko kaya dinamdam niya at nanlamig na siya sa akin. Lagi niyang sinasabi na ang dami namang limitations ng parents ko.

Kahit masakit sa kalooban ko ay pinili kong sumunod sa sinabi ng parents ko.

Kryz

Dear Kryz,

Natural lang sa magulang ang maghigpit sa kanilang mga anak. Lalo na kung wala pa kayo sa tamang edad. Habang nasa poder o nasa pangangalaga pa ka pa ng magulang mo, mas mainam ang sumunod sa kanila.

Gusto lamang nilang makita kayong nasa maayos na kalagayan. Tulad niyan, hindi nila alam ang ginagawa ninyo. Sabihin na nating kiss kiss lang, eh…paano kung hindi na kayo maawat at mauwi kayo sa pagsisiping. Eh, ibang usapan na ‘yon. Babae ka pa naman, iha. Hangga’t maaari, mag-focus ka muna sa iyong pag-aaral.

Kapag nasa tamang edad ka na, hinding hindi ka na nila pagbabawalan. Baka sila pa ang magtatanong kung kailan mo gustong mag-asawa.

Huwag mo masyadong madaliin ang buhay. Hintayin mo ang tamang panahon.

DR. LOVE

KRYZ

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with