^

Dr. Love

Ayaw pag-usapan ang pagpanaw

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Bel. Ok lang po ba na kumuha na ako ng pre-need plan para nakahanda sa sandaling sino man sa aming mag-asawa ang maunang sumakabilang-buhay?

Pero ayaw ng mister ko kasi pinangungunahan ko raw ang kanyang kamatayan.

Sa totoo lang, nakita ko na mahirap kapag wala-walang pera tapos namatayan kayo. Talagang aasa na lang sa abot, tulong o abuloy ng mga tao.

Ayaw na ayaw kong mangyari sa amin iyon ng mister ko. Hanggang sa dulo na lamang ng buhay namin ay kailangan pang ipamalimos ang gastusin?

Gusto ko na nga sanang mag-invest para sa future naming mag-asawa para kahit sino ang mauna ay wala na kaming iintindihin.

Si mister lang talaga ang ayaw, kahit pag-usapan ang tungkol sa mga patay ay naiinis na siya.

Marami nga raw benepisyo ang may plano. Kinukulit nga ako ng kumare ko na kumuha dahil nagamit niya sa asawa niya ng pumanaw ito.

Sabi pa nga niya, kung mahal ko raw ang mister ko, dapat pinaglalaanan ko siya para hindi na rin akong mahirapan at maging maayos ang serbisyong mailalaan sa mister ko pagdating ng araw.

Sa palagay ko, tama naman siya roon. Pero dahil asawa ko ang isa sa magiging benepisyo, importante ang kanyang partisipasyon para mai-avail ang plan.

Pero sarado ang asawa ko sa nasabing usapin. Ano ang gagawin ko?

Bel

Dear Bel,

Depende talaga sa tao kapag pinag-uusapan ang tungkol sa kamatayan. Bakit nga ba?

Eh, lahat naman tayo ay papunta roon. ‘Yun lang, ang iba ayaw at takot sa kamatayan.

Ang totoo, lahat tayo ay mamatay. Una-una lang ‘yan. Pero mas mainam talaga na may nakahanda kang pera o investment para sa panahon ng pagpanaw. Ang alam ko, pwedeng ipagamit sa iba memorial plan. Kung sakaling sino man ang mauna sa inyo.

Parte naman ng buhay natin bilang tao ang kamatayan kaya dapat i-enjoy ang buhay lalo na with our family and friends. Dahil sa huling sandali, sila rin ang maghahatid sa atin.

Tunay na maiksi ang buhay natin dito sa mundo kaya pahalagahan ang bawat sandali at maging handa.

DR. LOVE

BEL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with