^

Dr. Love

Ire-reveal ba ang sarili kay crush?

Dear Dr. Love - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si AJ isang college student, alam po ninyo matagal ko nang gustong makapagpadala ng sulat sa inyo para mabigyan ako ng advice.  Meron kasi akong crush.

Inaabangan kong mapansin niya ako, tagahanga niya ako since 1st year pa lang kami, schoolmate ko siya.

Isa siyang artist at sikat sa campus namin. One time mayroong art exhibit sa school namin, excited ako dahil love ko rin kasi ang mag-painting.

Umaasa ako na malapitan ko siya. Pero sa rami ng tao, natalo ako ng kaba at hiya kaya hindi ko siya nalapitan.

Ilang araw ang nakalipas, nakita kong nag-post siya ng story (my day) sa facebook.  Sa NGL doon, pwede akong mag-confess as anonymous message. Hindi niya malalaman kung sino ang nagpadala ng message.

Kaya agad akong nag-message sa kanya na may lihim akong pagtingin at kung pwede ba siyang makausap. Laking gulat ko na nag-reply siya at nag-react siya na tinanong kung sino ako at para makipagkita. Kaso hindi ko nagawang ibigay dahil natatalo pa rin ako ng takot.

Baka kasi maging palpak sa bandang huli. Ayoko kasing masaktan ang puso ko.

Ito na nga sana ang tamang panahon upang malaman niya ang saloobin ko, pero kinakabahan ako at nag-aalangan dahil baka isipin niya na ang babaw ng kaligayahan ko.

Salamat po Dr. Love. Sana mapansin mo itong sulat ko.

AJ

Dear AJ,

Ganyan din ang problema ko nung nasa kolehiyo ako eh. Maraming may crush sa’kin, hindi ko rin sila pinapansin.

Alam mo AJ, mahirap talaga kung kaba at takot ang mananaig sa atin, dahil sa bandang huli ay walang mangyayari sa mga inaasahan natin.

Sa tuwing pinanghihinaan ka ng loob dahil sa kaba at takot mo, isipin mong wala namang masama kung malaman niya na crush mo siya. Natural lang naman sa tao ang humanga.

Huwag kang matakot kung alam mo na mas higit na makakatulong sa iyo ang gagawin mo. Mas mainam na alam niya para hindi ka nag-iisip ng kung anu-ano.

Sige ka baka  maunahan ka ng iba, sa huli magsisi ka pa. Kaya ngayon pa lang kausapin mo siya at ipagtapat mo, malay mo nasa iyo pala ang katangian ng isang babae na hinahanap niya, lalo at mahusay ka rin sa pagpipinta.

Siyempre samahan mo ‘yan ng dasal para gabayan ka sa tatahakin mo.

Be calm and true to yourself.

Dr. Love

vuukle comment

CRUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with