^

Dr. Love

Nalulong sa sugal si misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Matayog ang pangarap naming mag-asawa nang kami ay magpakasal. Gusto namin magpundar ng negosyo para sa future namin at ng aming magi-ging anak.

Civil engineer ako at nag-apply ako sa Canada pero hindi para maging immigrant, kundi para makaipon ng puhunan.

Limang taon akong lumayo at buong tiwala akong sinisinop ng asawa ko ang aking kinikita. Tuwing nagkakausap kami ay sinasabi niyang walang problema. Nagtiwala ako.

Hindi ko alam na nalulong pala sa casino ang misis ko kaya ang inaasahan kong malaking puhunan ay kakatiting na lang. Mabuti pa palang dito na lang ako sa Pilipinas nagtrabaho.

Kababalik ko lang, Dr. Love at kahit humihingi ng tawad ang misis ko, gusto ko na siyang hiwalayan. Tama ba ang gagawin ko?

Lao

Dear Lao,

Bigyan mo pa siya ng chance na magbago. Ang pagpapatawad ay isang bagay na ninanais ng Diyos na gawin natin sa isa’t isa.

Tutal maganda ang iyong propesyon, tiyak ko na may maganda kang trabaho na mapapasukan kahit sa sariling bansa.

Hindi mo kailangang magtrabaho sa abroad para marating ang inyong matayog na pangarap.

Sa mag-asawa, mahalaga ang togetherness. Maraming nasirang relasyon dahil sa pagkakalayo.

Dr. Love

LAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with